Monday, November 30, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Hapon na ako nagising. Hindi ko alam kung bakit. Naglaba ako ng aking mga damit sa araw na ito.
Pumunta ako sa pamilihan upang bumili ng baon para sa field trip at ilang personal na gamit. Gabi na ako nakauwi kaya kumain na ako at natulog ng maaga upang hindi mapuyat dahil kakailanganin ng lakas kinabukasan.

Linggo:
Alas dos palang ng madaling araw ay dilat na ang aking mga mata dala narin siguro ng kasabikang nadarama para sa aming Field Trip. Madilim palang ay nasa paaralan na ako kasama ang aking mga kaklase habang nakapila. Hindi nagtagal ay bumaba na kamibat nagtungo sa bus na nakatalaga sa amin. Naging maingay ang biyahe dahil sa iba't-ibang usapan ng aking mga kaklase.
Unang kming pumunta sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan kung saan makikita mo ang mga kagamitan noon na gamit sa pakikidigma ng mga Katipunero at sa mga larawan sa loob. Sunod naman ay sa Gardenia kung saan makikita mo kung paano gumawa ng tinapay na halos piro makina ang gumagawa. Pagbalik sa bus ay nagsikain na kami ng tanghalian at tumulak na muli sa isang mahabang biyahe patungong Enchanted Kingdom.
Lahat ay nasaya at sabik nang makarating kami. Saan ka man lumingon ay may pila. At dahil matatapang "daw" kami ay una naming sinakyan ang Space Shuttle kung saan naiwan lahat ng lakas ng loob na mayroon kami at pati narin yata kaluluwa namin. Matapos nito ay nagpahinga kami dahil narin sa pagod kakasigaw. Sa pangalawang pagkakataon, kami ay nagtapang-tapangan na naman. Pumasok kami sa Horror House kung saan ang dalawa sa kasama namin ay umiyak. Nagkahiwa-hiwalay kami pagkatapos. Kami ay naglibot na lamang at kumuha ng mga litrato.

Nang dumlim, bumalik na kami sa bus upang makakain at makapagpalit narin ng damit. Habng tinatahak namin ang daan pauwi ay kuwentuhan dito at kuwentuhan doon. Maya-maya pa'y biglang tumahimik— tulog na pala sila. Alas otso ng gabi nang kami'y makarating sa barangay hall. Pagdating ko sa bahay ay diretso higa na at hindi ko na alam ang nangyari. Zzzzzz.

Saturday, November 21, 2015

Pagpapahalaga sa Magulang

Siya yung taong kasa-kasama ko mula pagkabata. Nagpalaki, nag-aruga, nagmahal at umalalay. Simpleng babae lamang siya sa mata ng iba ngunit para sa akin ay higit pa siya sa simple. Mahirap abutin kumbaga.
Mula ng tumuntong ako sa paaralan ay siya ang laging nariyan. Hindi man sumipot ang aking ama sa mga importanteng kaganapan ay lagi siyang nasa aking tabi. Mawala lang siya sa aking mga mata ay hinahanap ko na agad siya at agad na umiiyak. Hindi naman ako spoiled sa kanya ngunit hindi ko kayang matagalan ang isang minuto na hindi siya makita. Sabi ko pa noon sa sarili ko, "Kapag namatay siya magpapakamatay nadin ako". Naisip ko kasi na hindi ko kayang mabuhay na wala siya sa piling ko. May mga panahon mang napapagalitan at napapalo ako ay hindi ko kayang magalit sa kaniya. Kaya ko bang magalit sa taong siyam na buwan akong dinala? Sa taong nagluwal sa akin? Siya ang sandalan ko. Matalik na kaibigan kumbaga. Hindi ako nagsasawa sa mga kuwento niya kahit paulit-ulit na ang iba. Gusto kong maging katulad niya. Simpleng may bahay, masipag, masinop, maasikaso, mapagmahal, matatakbuhan tuwing may problema, at higit sa lahat laging naka-suporta.
Kung iisipin, mukhang perpekto na ang buhay ko kasama siya ngunit sa buhay natin ay sadyang walang permanente. Dumating sa punto na naghiwalay sila ng aking ama. Ang dati naming masayang pamilya ay wala na. Nakakatawang isipin na sa tagal ng panahon ay umiiyak parin ako habang isinusulat ito. Noong mga panahong iyon ay ang dami kong tanong sa aking isipan. Bakit? Paano? Anong nangyari? Dahil sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko, sa murang edad ay natuto akong maging independent. Lahat ng mga bagay na ginagawa niya noon sa akin ay ako na mismo ang gumagawa para sa sarili ko. Nalaman ko man ang mga sagot sa aking mga tanong ay hindi ko nagawang magalit sa kanila. Sa kaniya. Sobra akong naaawa sa kaniya noon sa mga pagkakataong umiiyak siya sa aking harapan at humihingi ng tawad dahil si isisi niya ang kaniyang sarili. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang din at yakapin siya. Hindi ko magawang magalit. Wala ako sa posisyon para sumbatan siya dahil baliktarin ko man ang mundo ay siya ang ina ko.

Ngayon, mahigit anim na taon na ang lumipas. Hindi ko lubos maisip na nakayanan kong mawalay sa kaniya ng ganito katagal. Nasa ibang bansa man siya ngayon ay hindi niya tinalikuran ang kaniyang mg responsibilidad sa amin. Walang nagbago sa aming samahan. Magkalayo man kami ay siya parin ang taong labis kong pinahahalagahan. Mawala na nga lahat, huwag lang siya. Sabi nga sa isang kanta, magkalayo man kayo at magkasalungat ang inyong mga oras ay darating ang araw na makakapiling ko siya ulit. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kaniya. Mahal na maha po kita ma.

Sunday, November 15, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Tanghali na ako nagising. Marahil ay nais ng aking katawan ng mahabang pahinga. Nang ako'y bumangon, agad akong naghilamos at nag-ayos ng sarili. Naglinis nadin ako ng aming bahay at nagluto ng almusal. Nang sumapit ang tanghali ay ganun din ang aking ginawa. Naglaba din ako ng aking maga uniporme at damit.
Kinahapunan, ako ay natulog. Sa aking paggising ay madilim na. Kumain na kami ng hapunan at nanuod ng telebesyon hanggang sa makatulog.

Linggo:
Hindi tulad kahapon, ako ay gumising ng maaga upang maglinis ng bahay dahil may darating na bisita. Tanghali na ako natapos kung kaya't kumain agad ako ng pananghalian.

Nang sumapit ng hapon, umaus kami ng aking nakatatandang kapatid upang pumunta sa mall. Namili lang kami ng ilang damit at umuwi na. Ako ay nakatulog dahil sa pagod at nang ako'y gumising, nag-update na ako ng aking blog.

Nais mangyari sa buhay na ipinangako ng Diyos

Nais kong magkaroon ng buhay na wala ng pasakir at mga problema. Hindi na kailangan pang mangamba sa mga maaaring mangyari dahil ginagabayan niya tayo. Gusto ko na ang maging buhay ko ay malayo sa buhay ko ngayon maging ang mga taong parte nito maliban sa aking ina at kapatid.

Sa buhay na ipinangako ng ating Diyos, iisa lamang ang aking nais, hindi ko na muli maranasan ang buhay na tinatamasa ko ngayon.

Wednesday, November 11, 2015

Realisasyon sa Parabula ng Banga

Sa aking pagbabasa sa tekstong Parabula ng Banga, ako'y nagkaroon ng ilang realisasyon. Isa na rito ay dapat lagi nating sinusunod ang mga payo ng ating mga magulang upang hindi tayo mapahamak. May mga sarili tayong desisyon ngunit dapat padin nating silang sundin dahil mas alam nila ang nakabubuti para sa atin. Karamihan sa kabataan ngayon ang lahat ng bagay ay tama at nais subukan kung kaya't kadalasan ay nagdudulot ito ng kapahamakan sa kanila lalo na't hindi pa nila kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Ang parabulang ito ay nagbigay sa akin ng mahalagang aral kung kaya't isasabuhay ko ito at laging itatatak sa aking isipan.

Sunday, November 8, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Ako'y nagising dahil sa iyak ng aking bunsong kapatid. Tanghali na pala. Hindi ko namalayan ang oras kung kaya't nagmadali akong kumilos upang gawin ang aking mga nakasanayan ng gawin tuwing ako'y nasa bahay. Naglaba din ako ng aking mga damit at naglinis ng ilang kasangkapan.
Kinagabihan, ako ay kumain ng maaga at natulog na agad upang makapagpahinga.

Linggo:
Ako ay gumising ng maaga upang magsimba. Tumagal lang ako ng mahigit dalawang oras at umuwi nadin. Sa aking paguwi, ako ay kumain na ng pananghalian at nagtupi ng aking mga damit. Matapos nito ay natulog ako ng mahigit apat na oras.

"Gabi na pala" aking nasambit ng ako'y magising. Nagmadali akong bumangon upang kumain. Ako ay naghugas ng plato matapos at nag-plantsa ng aking mga uniporme. Inayos ko nadin ang aking mga gamit para sa pagpasok kinabukasan. Natulog ako pagkatapos ng pagdarasal.

Sunday, November 1, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Huling araw ng Oktubre. Ako ay gumising ng maaga upang maglaba ng aking mga damit at upang tapusin ang pagbubuod ng mga akda para sa Ikatlong Markahan sa asignaturang Filipino.
Kinahapunan, ako'y naglinis ng aming bahay at nag-ayos ng ilang kagamitan upang hindi mabagot. Nanuod din ako ng ilang palabas pagsapit ng gabi na puro kababalaghan naman. Naging masaya ang aking araw sa pagtatapos ng buwan ng ito.

Linggo:
Umaga na naman. Simula na ng buwan ng Nobyembre at sinasabi ngang Araw ng mga Kaluluwa. Paggising ko'y ginawa ko lang ang mga bagay na akin ngang nakasanayan nang gawin sa araw-araw. Walang espesyal na araw na ito para sa aking pamilya dahil hindi naman kami nagdiriwang ng nasabing okasyon.

Pagsapit ng hapon ay nag-general cleaning kami ng aking ama. Binago namin ang ayos ng aming tahanan upang mas maging maaliwalas. Pagkatapos nito kami ay kumain na ng hapunan. Nakatulog ako ng maaga dahil nadin sa pagod sa paglilinis at dahil simula na muli ng klase kinabukasan.

Sunday, October 25, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Bakas ang malapad na ngiti sa aking mga labi nang ako'y magising. Simula na ng isang linggong bakasyon kaya makakapagpahinga nadin ako sa mga nakakapagod na mga gawain sa paaralan. Ako ay tumulong sa paglilinis ng aming bahay maging sa pagluluto.
Kinahapunan ay inubos ko ang aking oras sa pagbabasa kung kaya't hindi ko namalayan na gabi na pala. Nagmadali akong kumilos upang maghanda ng hapunan at hindi mapagalitan. Matapos kumain ay natulog na ako dahil dinalaw agad ako ng antok.

Linggo:

Tinanghali ako ng gising kaya napagalitan ako ni papa. Upang makabawi, ako ay tumulong sa mga gawaing bahay pati nadin sa pagalalaba. Dahil sa pagod ay nakatulog ako at gabi na nangg ako'y magising. Kumain akobng hapunan at nag-isip kung ano ang aking mga gagawin ngayong bakasyon. Hindi pa ako nakakapag-desisyon kung kaya't wala pa akong mailagay sa aking blog sa ngayon. Pag-iisipan ko muna itong mabuti at saka ko na ibabahagi sa inyo.

Sunday, October 18, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Sa araw na ito ay maaga akong gumising dahil ang aming grupo ay may isho-shoot para sa aming proyekto sa tatlo naming asignatura. Maulan noong araw na iyon ngunit, nagpatuloy kami. Hapon na kami natapos kung kaya't hapon nadin ako ng nakauwi. Pagdating ko sa aming bahay ay tumulong agad ako sa paghahanda ng hapunan. Matapo namin kumain ay nagpahinga agad ako dahil nadin sa pagod sa maghapong paggawa ng mga proyekto na kinakailangan na sa aming pagbabalik sa eskwelahan.

Linggo:

Kinabukasan, huling araw ng pahinga. Lahat ng aking proyekto ay akin ng tinapos upang hindi mahuli sa pasahan. Bukas ay may pasok nang muli kaya nilabhan ko na lahat ng aking uniporme at plinantsa. Wala mang pasok kinabukasan ay tinapos ko lahat ng aking gawain dahil kami ay magiging abala sa page-edit ng aming ginawang proyekto.

Sunday, October 11, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Sabado na naman ngunit wala ka pa~ Biro lang. Araw na naman ng Sabado ano nga bang bago sa araw ko? Isa lang naman ito sa paborito kong araw o marahil pati ng karamihan. Siyempre pahinga ang araw na ito at makikipagliwaliw pa ang ilan. Ngunit ako? Naglilinis ng bahay, naglalaba, at nagluluto naman na lagi ko ngang ginagawa. Taong bahay kasi ako at hindi laging lumalabas kung di naman kinakailangan, kung kaya't sa araw na ito ako'y nagmukmok na lamang at nagbasa ng Ebook upang malibang man lang. Pagsapit ng gabi ay nagtulong kami ng aking nakatatandang kapatid sa paghahanda ng hapunan at nang matapos ay kumain nadin. Ako ay natulog ng maaga sapagkat napagod ako sa maghapon na kung tutuusin ay wala namang masyadong ginawa.

Linggo:

Nagising ako dahil sa tunog ng aking telepono. Isang tawag pala sa aking ina. Naging maganda ang simula ng aking araw dahil sa tawag na iyon. Ginanahan ako kumilos dito sa bahay at maagang nakakain ng almusal at tanghalian. Kinahapunan ay umulan ng malakas kung kaya't minabuti ko na lamang matulog. Paggising ko'y nagkantahan kami ng aking ama at kumain ng meryenda. Nagsimula nadin kaming maghanda para sa hapunan at kumain na. Ngayon ako'y nandito sa computer shop upang mag-update nitong aking blog. Sa aking paguwi ako'y magpa-plantsa ng aking uniporme at mag-aayos ng aking mga gamit para bukas sa aking pagpasok. Matutulog din ako ng maaga upang hindi mahuli para sa flag ceremony  na laging ginugunita tuwing Lunes.

Sunday, October 4, 2015

Paboritong Guro

Siya yung tipo ng guro na kinatatakutan. Sa unang tingin kakabahan kana, lalo na kung di mo siya kilala. Lahat ng deskripsyong ito ay nabago simula ng makasama namin siya sa loob ng sampung buwan.
Mr. Fernando P. Timbal. Kilala ng lahat ng estudyante ng Mambugan National High School. Hindi lang dahil isa siya sa mga magagaling at tinitingalang guro dito kundi dahil sa pagiging strikto nito. Kung makikilala mo siya ng lubusan ay hahanga ka talaga sa kanya. Nang maging gurong tagapayo namin siya noong nakaraang taon ay nakilala namin ang 'Sir Timbal' na ating kinatatakutan. Mabait, strikto, magaling, maparaan, nabuting magulang, at siyempre di mawawala ang kanyang intimidating look. Yan ang totoong Sir Timbal. Ang tumulong sa amin kung paano ilabas ang mga talentong tinatago ng bawat isa sa amin. Naging isang mabuting guro na nakagabay sa lahat ng aming gagawing desisyon at mga hakbang. Ang taong iyon ang hindi ko makalilimutan sa lahat. Kung kaya't nang matapos ang sampung buwan na iyon ay nalungkot at umiyak ang kabuuan ng klase namin. Ang mga salitang binitawan ni Sir "Goodbye Aristotle"  sng pinakamasakit sa lahat. Dahil hindi na namin siya makakasama sa susunod na taon.

Aminado ako noong una'y takot ako sa kanya. Ngunit habang lumipas ang panahon ay hinangaan ko siya ng husto at naging paboritong guro. Hindi lamang dahil siya ay magaling, kundi dahil siya ay tapat at maaasahan.

Sabado at Linggo

Sabado:
Sabado? Normal na lamang ang araw na ito para sa akin. Ginawa ko muli ang mga bagay na nakasanayan ko na at madalas ko nga namang ginagawa. Gumising ng maaga, magluto, maglaba ng uniporme, at maglinis ng bahay. Wala ng bago dito. Ngunit hindi ako nababagot sa mga gawaing ito natutuwa pa nga ako dahil may naitutulong naman ako dito sa bahay.
Sumapit ang gabi, ako lamang mag-isa ang naiwan dito sa bahay. Ako ay nanuod na lamang ng telebisyon at nang dalawin ng antok ay natulog na lamang upang makabawi sa mga araw na maaga nagigising upang pumasok sa paaralan.

Linggo:
Ginising ako ng aking ama upang mag-asikaso ng almusal. Mukhang tinanghali ako ng gising. Nagmadali akong bumangon at ginawa muli ang mga bagay na ginagawa ko tuwing walang pasok. Hapon na kami natapos kumain sa kadahilanang hinintay pa namin si Tita at Papa matapos sa paglalaba. Nang nakapagpahinga na, binuksan na ni papa ang videoke. Hindi tulad ng mga nakaraang linggo, ako ay nakikanta sa kanila upang hindi mabagot.

Kinagabihan ay naghanda na ako ng hapunan at kumain. Nag-plantsa nadin ako ng aking mga uniporme upang matapos na at makapag-update na ng blog. Sa aking pag-uwi ay manunuod na lamang ako ng telebisyon at matutulog.

Sanaysay

Mahalang matutunan ang pagsusulat ng sanaysay upang matuto tayong magbigay ng ating sariling opinyon. Dahil sa pagpapahayag ng opinyon ay mailalabas natin ang ating mga saloobin. Kailangan din natin itong matutunan upang malaman natin ang kahalagahan nito na maaari nating gawin sa ating araw-araw na pamumuhay.
Ang pagsusulat ng sanaysay ay madalas gamitin sa mga isyung nais nating bigyan ng ating sariling opinyon o saloobin. Kahit simpleng paksa man na nais nating bigyang opinyon ay maibabahagi natin sa paraan ng pagsusulat ng sanaysay. Kung kaya't labis itong mahalagang matutunan upang mahasa tayo sa pagbibigay ng ating mga saloobin sa mga nangyayari sa ating paligid.

Nagiging makabuluhan din ito tuwing maghahayag tayo ng opinyon. Ito ay nagagamit natin hindi lang sa pagsusulat, maaari din itong gamitin sa berbal na paraan. Nakatutulong ito sa atin sa ano mang sitwasyon at panahon.

Tuesday, September 29, 2015

Palabas na Nagpapakita ng Kalakasan ng mga Kababaihan

(Charlies Angels)


Para sa akin ang palabas na ito ay nagpapakita ng kalakasan ng kababaihan o pagiging angat nila. Ang palabas na ito ay tumatalakay tungkol sa tatlong babae na magagaling lumutas ng mga mabibigat na problema sa magulong mundo na mayroon tayo. Pinapakita dito kung gaano sila kagaling sa pakikipaglaban, talas ng isip at kung paano nila higitan ang kayang gawin ng kalalakihan sa delikadong bagay tulad nito.
  Ang palabas na ito ay nagpakita ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan sa kalalakihan dahil ang trabahong pinaggagawa sa kanila ay kadalasang gawain ng kalalakihan. Nagpapatunay lamang ito na may malaking papel ang kababaihan sa lipunan.

Sunday, September 27, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Araw ng Sabado na naman. Ano nga bang bago sa araw na ito? Tulad ng mga nagdaang Sanado ay ganun parin naman ang naging takbo ng araw na ito.
Tanghali na ako nagising, naglinis ng bahay, naglaba ng uniporme at nagbasa ng ebook maghapon. Siguro sawang-sawa na kayo dahil paulit-ulit nalang lagi ang mga post  dito linggo-linggo. Sabihin na nating nakakabagot ang buhay ko pero taong bahay lang kasi ako kaya di niyo ako masisisi. Kinagabihan naman ay nanuod ako ng telebisyon upang malaman ang balita. Nang dinalaw ako ng antok ay natulog na lamang ako upang mabawasan naman ang eyebags  ko at hindi na maging maleta. =)

Linggo:
Madaling araw palang ay mulat na ang aking mga mata. Naalimpungatan ako dahil sumakit ang aking tiyan. Ilang sandali pa'y nakatulog na akong muli. Mahimbing ang aking tulog ng gisingin ako ng aking ama upang maghanda ng agahan kung kaya't napaaga ang aming tanghalian. Nang sumapit ang hapon ay ginawa ko na lahat ng aking takdang aralin. Natulog ako matapos nito upang makapagpahinga.

Gabi na. Kakagising ko palang kaya kumain na ako ng hapunan at nag-plantsa ng uniporme. Nanuod ng telebisyon at nagpasya ng mag-update ng blog. Sa aking pag-uwi ay ihahanda ko na ang lahat ng aking kakailanganin bukas at matutulog ng maaga.

Sapat ba ang Karapatan ng mga Kababaihan

    Sapat nga ba ang karapatan ng kababaihan? Kung ako ang tatanungin, hindi. Bilang babae nais ko rin ng pantay na karapatan upang maging ligtas at masabing ganap akong tao.
Sa panahon ngayon sobrang dami ng karapatan ang mayroon kami. Ang mga karapatang ito ay nadadagdagan ng nadadagdagan dahil sa mga krimen at di wastong pagtrato sa amin. Kung ang ibang Batas Pantao ang ating titingnan at susundin ay hindi na ito dadami pa. Sa mga batas palang na "Pantay na Pagtingin sa Bawat Isa" ay masasabi kong sapat na ito. Ngunit dahil nadin sa ibang klaseng pag-iisip ng mga taong ngayon ay patuloy itong nadadagdagan upang maprotektahan kaming mga kababaihan.Masasabi kong masaya o nakakagaan ng loob ang malaman na kaming mga babae ay madaming karapatan ngunit, masakit isipin na ang iba rito ay naipasa lamang dahil sa mga karahasan na pinagdaanan ng ilan sa ating kababaihan.
Para sa akin ang mga karapatang ito ay sobra-sobra. Kung nasusunod lang sana ang mga batas at ang pagkakaroon ng "Pantay na Pagtingin" ay wala ng kababaihang aapela para sa karagdagan pang karapatan upang sila ay maprotektahan. Alam kong madaming tututol sa opinyon kong ito ngunit, kung susuriin nating mabuti ay may punto din ito. Hindi ito dadami ng dadami kung hindi kinakailangan. At dahil may kinakailangan, may nagkulang. Maaring ang batas ang may pagkukulang o maaring tayo mismo. Ang sarili natin.


Sunday, September 20, 2015

Opinyon sa Pananakit sa mga Hayop

Ang pananakit ay pagpapakita ng karahasan. Manakit ka ng tao o maging hayop ay labas sa batas at may karampatang kaparusahan.
Sa panahon ngayon, naku! Ang mga tao ay walang awa sa pananakit ng mga hayop. Kung itrato nila ito ay parang wala itong pakinabang at walang karapatang mabuhay. Hindi man natin alam ang kanilang nararamdaman, ay dapat di natin sila sinasaktan. Dahil maging tayong mga tao ay nakararamdam ng sakit. Hindi man pisikal, maari namang emosyonal. Ang mga hayop ay may pakiramdam din kung kaya't dapat padin natin silang alagaan. Marami ng hayop ang sumakabilang buhay dahil sa mga kasong tulad nito. Maaari naman nating pabayaan na lamang sila kung di naman natin kayang alagaan at huwag ng saktan. Hayaan na lamang natin silang maging malaya. Tulad natin.

Kahit saang banda ay hindi ito tama. Dahil ang pananakit, saang anggulo mo man tingnan ay walang maidudulot na maganda. Sa wakas! May ilang kaso ukol dito ang inaksyunan ng pamahalaan at pinagtuunan ng pansin. 

Sabado at Linggo

Sabado:
Ako ay gumising ng maaga upang maghanda ng aming agahan at upang maglinis ng aming bahay. Matapos nito ay naglaba ako ng aking mga uniporme na lagi ko namang ginagawa tuwing sasapit ang araw ng Sabado. Ako ay kumain ng pananghalian at natulog pagkatapos upang makapagpahinga. Ako ay naalimpungatan kung kaya't nagbasa na lamang ako ng Ebook. Hindi ko namalayan ang oras,gabi na pala. Ako ay kumain ng hapunan at natulog na lamang ng maaga.

Linggo:
Tanghali na ako nagising ngayong araw. Nang magising ako ay tumulong agad ako sa paghahanda at kakailanganin sa pagluluto. Matapos nito ay kumain kami ng sabay-sabay.

Mabilis lumipas ang oras. Hapon na at nag-videoke na naman sila. Ako ay nanatili na lamang sa isang tabi at nagbabasa. Nang umalis sila ay napagpasyahan kong maglinis muli at maglinis na. Nagluto na ulit kami ng aming hapunan at kumain. Nanuod ako ng ilang programa at napagpasyahan ng mag-update sa akin blog. Sa aking pag-uwi ay magp-plantsa ako ng aking uniporme at maagang matutulog para sa pasok kinabukasan.

Tuesday, September 15, 2015

Tanka at Haiku






"Paalam"

Mundo'y gumuho

Sa iyong pagkawala

Ako'y papanaw.






"Sakali"

Puso mo'y manhid

Nais kong ika'y akin

Siya'y tiningnan

Kaluluwa'y nagluksa


Pag-asa ay naglaho.

Sabado at Linggo

Sabado:
Tanghali na ako bumangon dahil nadin sa pagod sa limang araw na walang pahinga sa eskwela. Ako ay naglinis ng bahay,nagluto at naghugas. Maya-maya ay nagpahinga ako dahil magkikita ang aming pangkat para sa pagbili ng aming proyekto sa isang asignatura. Dumating ang hapon, kami nga'y nagkita-kita na. Sa matagal naming pag-uusap ay napag-pasyahan naming bumili na ng gamit sa isang Mall . Kami ay tumagal ng mahigit dalawang oras sa pamimili at pagtambay narin. Nang medyo pagabi na ay umuwi narin kami. Dahil sa pagyayaya ng isa naming kaibigan, kami ay naglakad pauwi na naging masaya naman ang kinalabasan.
Kinagabihan, ako ay tumulong sa paghahanda ng aming hapunan at kumain na. Dala narin ng pagod, ako ay nakatulog ng maaga.

Linggo:
Nagising ako. Panibagong araw na naman. Wala namang bago sa araw na ito dahil naglinis lang muli ako ng aming bahay at naghanda ng aming pagkain. Habang ako ay abala sa pagliligpit, ako ay nakaramdam ng hilo. Para akong lalagnatin.
Kinahapunan, napag-pasyahan kong matulog upang mabawasan ang sakit ng aking ulo. Nang magising ako ay nagkakantahan na sila papa. Nanatili lamang akong nakahiga at saka na lamang tumayo ng maghahanda na ng hapunan. Kumain kami ng sama-sama at nanuod ng telebisyon. Sa gabing ito ay hindi ako agad nakatulog kung kaya't ako'y nagbasa muna ng ebook. Noong sumapit ang hatinggabi ay natulog narin ako sa kadahilanang may pasok na kinabukasan.

Ang dalawang araw ng pahinga ko ay malaking tulong sa pagbabawas ng mga stress na aking nararamdaman.

10 Bagay na Gagawin pag pumunta sa Korea

    

     Ang sampung bagay na gagawin ko pag pumunta ako ng Korea ay:

  1. Pupunta ako sa SM Entertainment
  2.  Kakain ng Bibimbap
  3.  Ii-stalk ang EXO at GG
  4. Pupunta sa Jeju Island at Namsan Tower
  5. Sumakay sa Cable Car
  6. Mag-aral ng Hangul
  7. Maranasan ang pamumuhay ng mga Korean
  8.       Makapunta sa isang Kpop Concert
  9. Maglaro sa nyebe
  10.       Mamasyal sa mga Makasaysayang pook dito















              
                
            
5     
7           
8           
9         
       

Sunday, September 6, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
   Isa sa mga araw na paborito ko linggo-linggo. Hindi lang dahil walang pasok. Kundi dahil narin sa nakababawi ako ng tulog sa limang araw na pagkapuyat. Tulad ng mga nakaraang Sabado ay maaga parin akong gumigising upang magluto ng almusal at maglinis ng aming bahay na nakagawian ko na. Nang matapos ang ilang gawain at nakapagpahinga na ay naglaba naman ako.
   Kinahapunan,ako ay natulog sandali—na inabot ng gabi. Marahil ay sobra akong napagod sa aking mga nagawa. Ako ay kumain na lamang ng hapunan at nagpahinga na muli. Hindi na ako nanuod pa dahil wala naman akong gustong palabas. Ako ay nahiga na naglaro muna sa aking cellphone at nang ako'y dinalaw na ng antok ay natulog na.

Linggo:
    Ako'y nagising ng mas maaga sa inaasahan kong oras. Ginising ako ng nakababata kong kapatid upang kumain na ng almusal na hinanda ng aming ama kung kaya't napabangon ako ng wala sa oras. Matapos nito ay di nako nakatulog kaya nag-cellphone nalang ako. Nang umuwi si papa ay may dala na siyang ulam kaya kami ay kumain na ng pananghalian. Pagkatapos ay nagkantahan na naman sila na madalas nga naming gawin.

   Hapon na. Hindi ko namalayan na ako'y nakatulog. Siguro'y dahil narin sa paggising ko ng maaga. Ika-apat na ng hapon nang ako'y magising. Kumain na lamang ako ng meryenda at nanuod. Nang dumilim na ay pumunta na ako dito sa Computer Shop upang gumawa ng mga proyekto at upang i-update ang aking blog. Sa aking pag-uwi ay balak kong manuod ng GGV at mag-plantsa ng mga uniporme. Pagkatapos nito ay matutulog na ako upang maging maaga sa pagpasok bukas.

Pagsisimula ng Ber-months

    Taon-taon tuwing dumarating ang ber-months ay mapapansin nating napakabilis na ng panahon. Nalalapit na naman ang kapaskuhan at ang panibago na namang taon.
    Ako ay masaya sa pagsisimula ng ber-months dahil ang ibig sabihin nito'y nalalapit na ang aking kaarawan. Marami ding okasyon sa mga buwang ito sa paaralan man o sa bahay lang. Sinisimbolo din nito na kailangan na nating maging handa sa pagtatapos ng taon at maging matapang sa pagharap sa bagong taon at bagong mga pagsubok na darating. 
    Ang ber-months ay nakatatak na sa isipan nating lahat,medyo may kalamigan nadin sa mga panahong ito. At ang inaabangan ng lahat ay ang Simbang Gabi at ang Araw ng Pasko.

Monday, August 31, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
    Ako'y nagising ng sobrang aga. Madaling araw kumbaga. Dahil dun ay nag-facebook nalang ako hanggang sa sumikat ang araw. Hindi na ako dinalaw pang muli ng antok kung kaya't minabuti ko ng bumangon at maghanda ng aming almusal. Naglinis,nagluto at naghugas— mga bagay na lagi ko namang ginagawa. Hindi ako pumunta sa paaralan upang saksihan ang Culminating Activity na isinagawa. Ako ay nanatili sa bahay at natulog maghapon. Pagsapit ng gabi ay kumain kami at hindi mawawala ang panunuod ng The Voice. Natapos ang araw na ito ng masaya.

Linggo:

    Tulad kahapon ay maaga na naman akong nagising. Ngunit,pinilit kong makatulog muli. Nang magising ako ay tanghali na kung kaya't kumain na ako at nang matapos ay naglaba ng mga uniporme ko. Pagod ang katawan ko pagkatapos kahit na gumamit ako ng washing machine. Ako ay nagpahinga sandali at nagkantahan na kasama ang aking ama. Inabot ito ng gabi kung kaya't anong oras na kami nakakain ng hapunan. Pinanuod ko din ang huling gabi ng The Voice kung saan malalaman na kung sinong nagwagi. Bumoto din ako. At sa kabutihang palad ay si Elha ang nanalo. Matapos nito ay natulog na ako. Masarap matulog lalo na dahil sa magandang balita na nalaman ko.

Bakit mahalagang maging maingat sa Pagpapahayag ng Damdamin

Mahalagang  mag-ingat sa pagpapahayag ng damdamin dahil hindi natin alam ang mararamdaman ng taong pinatutungkulan nito. Lahat tayo ay malaya sa pagpapahayag ng damdamin ngunit kailangang kontrolado natin ang ating emosyon sa bawat pagkakataon. Ang simpleng salita ay nakasasakit na ng damdamin ng isang tao kung kaya't mas lalo nating kailangan ng matinding pag-iingat at malalim na pag-iisip kung ano ang magiging epekto at resulta nito. Iwasan dun natin ang pagmumura sa mga pahayag na ating bibitawan upang hindi pagmulan ng mas malaking gulo at sakit.

Lahat ng bagay na ating ginagawa at mga salitang bibitawan ay may epekyo sa ibang tao hindi man natin ito direktang pinatutungkol sa kanila. Maaaring positibo,negatibo,at maaaring makasira ng samahan ng bawat isa. Ito rin ay makakapagdulot ng matinding sakit.

Damdamin sa Pagkuha ng NCAE

   Sa araw ng aming NCAE ay sobra akong nabagot. Maaga akong pumasok ngunit napakatagal bago ito nagsimula. Nalungkot din ako nung malaman kong wala akong kasamang kaklase at kakilala sa silid na nakatalaga sa amin. Karamihan sa mga tanong ay mahirap kung kaya't ako ay nangamba kung matatapos ko sa tinakdang oras ang aming pagsusulit. Sa kabila nito,naging masaya parin ito dahil nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Monday, August 24, 2015

Reaksyon sa Blog ng Kaklase (Jeric Dave Dingrat)

http://davedingrat.blogspot.com/2015/08/simula-ng-panibagong-yugto-ng-pagiging.html

Post sa blog ni Jeric Dave Dingrat noong Agosto 16,2015

Reaksyon:
  Napili kong gawan ng reaksyon ang post na ito ni Jeric Dave Dingrat dahil makabuluhan ang laman nito at talagang nakakabilib ang mga nais nya. Makulay at maganda din ang kanyang post na siya nga namang nakaka-agaw ng pansin sa mga mambabasa. Nakakatuwa dahil lahat ng kanyang mga post ay may litrato o di kaya'y may HUGOT ika nga nila. Isa ito sa nakapukaw ng interes ko na basahin ito at gawan ng sariling opinyon o reaksyon.
Sabado:
Sabado na naman. Nagising ako ng may ngiti sa mga labi dahil nakatulog na naman ako ng maayos. Pagod ang aking katawan dahil gabi na kami nakauwi noong araw ng Biyernes dahil tinapos namin ang aming proyekto sa dalawang asignatura. Sa araw na ito,ako'y naglaba lamang ng aking mga damit at uniporme. Naglinis din ako ng aming bahay upang maging maaliwalas. Pinahinga ko muna ang aking utak at katawan kung kaya't hindi ko muna ginawa ang iba kong Takdang Aralin.
Sumapit ang hapon,ako ay nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Nagsaing na ako at tumulong sa paghahanda ng aming lulutuin para sa hapunan. Matapos nito ay nanuod ako ng The Voice na lagi ko ngang inaabangan at bumoto ng isang kalahok na nais ko. Natapos ang araw ko ng payapa at maginhawa.

Linggo:
      Mas maaga akong nagising sa araw na ito. Nagluto,nagsaing,at naglinis. Nang matapos ito ay kumain ako at sinimulang gawin ang aking mga proyekto at iba pang Takdang Aralin. Ginawa ko muna ang magagaan o madadali upang hindi maubusan ng ideya ang utak ko sa mas mabibigat na gawain.
     Kinahapunan,pumunta ako sa isang Computer Shop upang mag-download ng pelikulang Trojan War at Helen of Troy dahil kailangan itong gawan ng reaksyon para sa asignaturang Araling Panlipunan. Naging matagumpay naman ito at natapos ko ang aking mga gawain.

     Gabi na naman. Bukas ay may pasok nang muli. Ako'y nag-plantsa muna ng aking mga uniporme at nag-ayos ng mga gamit na kakailanganin bukas bago nanuod ng The Voice. Ngunit,nng matapos ang programa ay nadismaya ako sa naging resulta. Maaga akong natulog upang maging handa sa gagawin kong pag-uulat kinabukasan.

Pagpapahayag ng Damdamin

   Makakapagpahayag tayo ng damdamin sa iba't-ibang paraan. Maaaring sa berbal na pamamaraan,pagsulat,at sa pamamagitan ng kilos. Ang pagpapahayag ng damdamin ay karapatan natin at may kalayaan ang bawat isa sa pagsasagawa nito. Ngunit,tulad ng ibang bagay ay may limitasyon din ito.
  
  May mga salik din na isinasaalang-alang sa pagpapahayag nito:
  • ·        Ang nararamdaman ng taong ito
  • ·       Ang mga tao sa paligid mo;
  •      at ang mga posibilidad na maaaring mangyari sa pagitan ng dalawang tao.
   Ang pagpapahayag ng damdamin ay madali lamang subalit,may dalawa itong resulta. Maaaring ito'y positibo o negatibo.

Monday, August 17, 2015

Nais Maisakatuparan Ngayong Ikalawang Markahan

     Sa darating na Ikalawang Markahan ay maraming bagay ang nais kong maisakatuparan. Nais kong matuto at magkaroon ng marami pang kaalaman na siya ring maaaring isabuhay at gawin sa araw-araw. Isa din sa nais ko ay maging aktibo ako sa klase at magkaroon ng tiwala sa sarili upang maharap at malagpasan ang mga pahirap na maaaring dumating.

     Ngayong markahan na ito ay makikinig pa ako ng mas mabuti sa aming guro at sisikaping maging mas produktibo.

Unang Markahan

     Sa nagdaang unang markahan ay masasabi kong marami talaga akong natutunan. Ngunit sa kabila nito ay marami din kaming mga balakid na ikinaharap. Isa na dito ang pagkakasabay-sabay ng mga proyekto sa iba't-ibang asignatura at ang iba pang mga aktibidad o organisasyong aming kinaaaniban. Dito nasubok ang aming tiyaga at kagustuhan na maisagawa parin ang mga bagay na kailangan naming maisakatuparan.

     Ang markahang ito ang magiging gabay namin sa susunod pang mga araw na darating. Naging produktibo din naman kami at sa kabutihang palad ay maraming nakapasa sa amin sa isinagawang Lagumang Pagsusulit noong Agosto 12 o halos lahat pa yata kami ang nakapasa na labis naman naming ikinatuwang lahat.

Sunday, August 16, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:  

    Araw ng Sabado. Unang araw ng pahinga matapos ang Unang Lagumang Pagsusulit. Ako ay gumising ng ika-siyam ng umaga upang makabawi ng tulog sa limang araw na nakakapagod at sunud-sunod na walang pahinga.
   Hindi ako pumunta sa paaralan upang manuod ng Intramurals. Ako ay nanatili lamang sa aming bahay,naglinis ng mga kagamitan at naglaba ng ilang mga damit. Natulog din ako ng hapon kung kaya't ang payapa ng isip ko sa araw na iyon. Nang sumapit ang gabi,pinanuod ko ang paborito kong palabas tuwing Sabado at Linggo na lagi ko talagang inaabangan. Ang The Voice Kids. Naging masaya at payapa ang araw na ito para sa akin.

 Linggo:

   Ang araw ng kaarawan ng kaibigan kong si Apple Claire Benito. Bago ako nagpunta sa bahay nila ay naglinis muna ako ng aming tahanan. Ika-tatlo ng hapon ang itinakdang oras ng pagpunta ngunit maaga akong pinapunta ni Apple upang mag-imbita ng bisita. Naging madali lamang ito dahil nadin kami ay magkapitbahay.

   Maaga natapos ang pagluluto ng kanyang ina kung kaya't matagal kaming naghintay sa mga dadalo. Nang dumating na ang aming mga kaklase ay naging maingay na at nagsimula na ang kasiyahan. Kumain,naglaro,nagtawanan,nagkulitan,at nag-selfie kami. Naging sobrang saya ng araw na ito kahit sobrang nakakapagod din. 

Saturday, August 8, 2015

Maikling Kwento

Ang paborito kong maikling kwento na ating tinalakay ay Ang Buwang Hugis Suklay.
  Nagustuhan ko ito dahil ito ay tumatalakay sa samahan ng isang mag-anak na nagkaroon ng sigalot dahil lamang sa simpleng bagay. Ito ay maaari nating maikumpara sa mga pangyayari sa totoong buhay na sadyang hindi maiiwasan. Ngunit batay sa akda na ito,isa lamang itong alamat. Isang kwento na maaaring totoo o hindi. Kung kaya't hindi ko ito maaaring husgahan batay lamang sa aking pananaw dahil ito ay kanilang kultura o tradisyon.

   Sa kabila nito,ako parin ay naaliw kung paano tumakbo ang kwento dahil sa simpleng salaming iyon. Makikita natin na may pagpapahalaga talaga sila sa kanilang paniniwala o sa kanilang tradisyon na labis  nilang isinaaabuhay.

Sunday, August 2, 2015

Sabado at Linggo

      Ngayong araw,ako ay nagising ng maaga dahil naalimpungatan ako. Naglinis nalang ako ng aming bahay at naghanda nadin ng agahan upang may magawa. Matapos nito,ay sabay kaming naglaba ni tita upang mapabilis. Pagsapit ng hapon,ako ay nakatulog dala nadin ng sobrang pagod at sa kadahilanang maaga nga akong nagising. Gabi na ng ako'y magising. Kami ay kumain ng sabay-sabay at nanuod hanggang sa makatulog muli.

     Araw na naman ng linggo,hindi nabago ang takbo ng araw ko tuwing sasapit ang araw nato. Maliban nalang sa paggawa ko ng proyekto sa asignaturang Ingles at hindi nakisali sa kantahan nila papa. Natulog lang din ako maghapon dahil tila ayaw kumilos ng katawan ko ng araw na iyon. Pagsapit ng gabi,ako ay nag-plantsa ng uniporme ko at nagayos nadin ng ilang gamit para sa pagpasok sa araw ng Lunes.

Saturday, August 1, 2015

Paboritong Kanta

    Bubbly


Will you count me in?
I've been awake for a while now
You've got me feelin' like a child now
'Cause every time I see your bubbly face
I get the tingles in a silly place
It starts in my toes, and I crinkle my nose
Where ever it goes I always know
That you make me smile, please, stay for a while now
Just take your time wherever you go
The rain is fallin' on my window pane
But we are hidin' in a safer place
Under covers stayin' dry and warm
You give me feelings that I adore
It starts in my toes, make me crinkle my nose
Wherever it goes I always know
That you make me smile, please, stay for a while now
Just take your time wherever you go
But what am I gonna say?
When you make me feel this way
I just, mmm
And it starts in my toes, makes me crinkle my nose
Wherever it goes I always know
That you make me smile, please, stay for a while now
Just take your time wherever you go
I've been asleep for a while now
You tucked me in just like a child now
'Cause every time you hold me in your arms
I'm comfortable enough to feel your warmth
It starts in my soul, and I lose all control
When you kiss my nose, the feelin' shows
'Cause you make me smile, baby, just take your time now
Holdin' me tight
Wherever, wherever, wherever you go
Wherever, wherever, wherever you go
Wherever you go I always know
'Cause you make me smile, even just for a while.

   Ito ang isa sa aking paboritong kanta dahil naaaliw ako sa mga liriko at mga linya nito. Nakaka-tanggal pagod din ang tono nito na masarap pakinggan at nakakaantok. At isa pa,isa sa mga hinahangaan kong mang-aawit si Colbie Caillat.

Sunday, July 26, 2015

Sabado at Linggo

      Noong araw ng sabado ay maaga akong nagising upang maglinis ng aming bahay at maghanda ng almusal. Matapos nito,ay sinimulan ko ng labhan ang aking mga damit at uniporme. Noong araw ding iyon ay tinapos ko na ang aking mga takdang aralin at mga proyekto sa ibang mga asignatura.

     Kinabukasan,araw ng linggo ay ganoon padin nagsimula ang aking araw. Naglinis,nagluto,at nag-ayos ng ilang gamit. At dahil araw ng pahinga ng aking ama,ay hindi nawala ang libangan namin; videoke. Nagkantahan kami ng mahigit apat na oras ng araw na iyon. At nang sumapit ang gabi ay naghanda ng hapunan at kumain. Hinanda ko nadin ang mga gamit ko para sa pagpasok kinabukasan at maghanda sa maagang pagpunta sa paaralan dahil nadin may Flag Ceremony.

Thursday, July 23, 2015

Earthquake Drill

     Huwebes,Hulyo 23,2015 ay nagkaroon ng Nationwide Earthquake Drill kung saan nakiisa ang lahat ng paaralan sa buong bansa,maging ang mga kawani ng gobyerno at ilang mga naninirahan sa mga subdibisyon.
     Sa naganap na Earthquake Drill sa ating paaralan,ay naging maagap ang mga guro at estudyante. Sa unang pagtunog ng bell ay nagtago sa ilalim ng silya at sa ikalawang alarma naman ay mabilis na lumabas sa mga silid-aralan at sa eskwelahan. Ang mga estudyante ay lumabas at naglakad ng maayos habang may nakaprotektang kwaderno sa kanilang mga ulo.
     Sa tuluyang paglabas ng mga estudyante sa gusali ay patuloy ang masusing paggabay ng mga guro kung saan dapat pumunta ang mga mag-aaral. Ngunit,may mga estudyante na nakarating sa Brgy. Hall dahil sa hindi agad napigilang pag-usad nito. Ang mga estudyante ay mabilis na naglakad at tumakbo pabalik pataas upang maging maayos na sa pagbalik sa paaralan. 
      Masasabi kong naging matagumpay ang isinagawang Earthquake Drill sa araw na iyon dahil naging maayos,organisado,at nakiisa ang lahat. Ang lahat ay naging alerto at isinabuhay ang mga tamang gawi na itinuro upang maging ligtas sa lindol.

Saturday, July 18, 2015

Katangian ng Kaibigan

      Ang mga katangiang mayroon ang aking kaibigan na nais kong magkaroon ay:

•Malakas ang loob
•Hindi mahiyain
•Responsable
•Mabait
•Maaalahanin
•Talentado

     
Nais kong magkaroon ng mga katangian na ito upang magkaroon ako ng tiwala sa aking sarili na kaya kong makipagsabayan sa kanila at upang mas madali kaming magkaintindihan sa mga bagay-bagay.

Sunday, July 5, 2015

Alamat ni Juan Tamad

    Ang alamat na aming pinanuod ay tumalakay kung paano namuhay si Juan na sobrang tamad. Isa na sa mga ito ay ang ginawa niya sa mga alimango na inutusan nyang umuwi sa kanilang bahay. Ngunit,sa kabila nito ay nagbago si Juan ng makilala nya si Mariang Masipag.