Sabado:
Ako'y nagising ng sobrang aga. Madaling araw kumbaga. Dahil dun ay nag-facebook
nalang ako hanggang sa sumikat ang araw. Hindi na ako dinalaw pang muli ng
antok kung kaya't minabuti ko ng bumangon at maghanda ng aming almusal. Naglinis,nagluto
at naghugas— mga bagay na lagi ko namang ginagawa. Hindi ako pumunta sa
paaralan upang saksihan ang Culminating Activity na isinagawa. Ako ay nanatili
sa bahay at natulog maghapon. Pagsapit ng gabi ay kumain kami at hindi mawawala
ang panunuod ng The Voice. Natapos ang araw na ito ng masaya.
Linggo:
Tulad kahapon ay maaga na naman akong nagising. Ngunit,pinilit kong
makatulog muli. Nang magising ako ay tanghali na kung kaya't kumain na ako at
nang matapos ay naglaba ng mga uniporme ko. Pagod ang katawan ko pagkatapos
kahit na gumamit ako ng washing machine. Ako ay nagpahinga sandali at
nagkantahan na kasama ang aking ama. Inabot ito ng gabi kung kaya't anong oras
na kami nakakain ng hapunan. Pinanuod ko din ang huling gabi ng The Voice kung
saan malalaman na kung sinong nagwagi. Bumoto din ako. At sa kabutihang palad
ay si Elha ang nanalo. Matapos nito ay natulog na ako. Masarap matulog lalo na
dahil sa magandang balita na nalaman ko.