Ngayong araw,ako ay nagising ng maaga dahil
naalimpungatan ako. Naglinis nalang ako ng aming bahay at naghanda nadin ng
agahan upang may magawa. Matapos nito,ay sabay kaming naglaba ni tita upang
mapabilis. Pagsapit ng hapon,ako ay nakatulog dala nadin ng sobrang pagod at sa
kadahilanang maaga nga akong nagising. Gabi na ng ako'y magising. Kami ay
kumain ng sabay-sabay at nanuod hanggang sa makatulog muli.
Araw
na naman ng linggo,hindi nabago ang takbo ng araw ko tuwing sasapit ang araw
nato. Maliban nalang sa paggawa ko ng proyekto sa asignaturang Ingles at hindi
nakisali sa kantahan nila papa. Natulog lang din ako maghapon dahil tila ayaw
kumilos ng katawan ko ng araw na iyon. Pagsapit ng gabi,ako ay nag-plantsa ng
uniporme ko at nagayos nadin ng ilang gamit para sa pagpasok sa araw ng Lunes.
No comments:
Post a Comment