Monday, November 30, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Hapon na ako nagising. Hindi ko alam kung bakit. Naglaba ako ng aking mga damit sa araw na ito.
Pumunta ako sa pamilihan upang bumili ng baon para sa field trip at ilang personal na gamit. Gabi na ako nakauwi kaya kumain na ako at natulog ng maaga upang hindi mapuyat dahil kakailanganin ng lakas kinabukasan.

Linggo:
Alas dos palang ng madaling araw ay dilat na ang aking mga mata dala narin siguro ng kasabikang nadarama para sa aming Field Trip. Madilim palang ay nasa paaralan na ako kasama ang aking mga kaklase habang nakapila. Hindi nagtagal ay bumaba na kamibat nagtungo sa bus na nakatalaga sa amin. Naging maingay ang biyahe dahil sa iba't-ibang usapan ng aking mga kaklase.
Unang kming pumunta sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan kung saan makikita mo ang mga kagamitan noon na gamit sa pakikidigma ng mga Katipunero at sa mga larawan sa loob. Sunod naman ay sa Gardenia kung saan makikita mo kung paano gumawa ng tinapay na halos piro makina ang gumagawa. Pagbalik sa bus ay nagsikain na kami ng tanghalian at tumulak na muli sa isang mahabang biyahe patungong Enchanted Kingdom.
Lahat ay nasaya at sabik nang makarating kami. Saan ka man lumingon ay may pila. At dahil matatapang "daw" kami ay una naming sinakyan ang Space Shuttle kung saan naiwan lahat ng lakas ng loob na mayroon kami at pati narin yata kaluluwa namin. Matapos nito ay nagpahinga kami dahil narin sa pagod kakasigaw. Sa pangalawang pagkakataon, kami ay nagtapang-tapangan na naman. Pumasok kami sa Horror House kung saan ang dalawa sa kasama namin ay umiyak. Nagkahiwa-hiwalay kami pagkatapos. Kami ay naglibot na lamang at kumuha ng mga litrato.

Nang dumlim, bumalik na kami sa bus upang makakain at makapagpalit narin ng damit. Habng tinatahak namin ang daan pauwi ay kuwentuhan dito at kuwentuhan doon. Maya-maya pa'y biglang tumahimik— tulog na pala sila. Alas otso ng gabi nang kami'y makarating sa barangay hall. Pagdating ko sa bahay ay diretso higa na at hindi ko na alam ang nangyari. Zzzzzz.

Saturday, November 21, 2015

Pagpapahalaga sa Magulang

Siya yung taong kasa-kasama ko mula pagkabata. Nagpalaki, nag-aruga, nagmahal at umalalay. Simpleng babae lamang siya sa mata ng iba ngunit para sa akin ay higit pa siya sa simple. Mahirap abutin kumbaga.
Mula ng tumuntong ako sa paaralan ay siya ang laging nariyan. Hindi man sumipot ang aking ama sa mga importanteng kaganapan ay lagi siyang nasa aking tabi. Mawala lang siya sa aking mga mata ay hinahanap ko na agad siya at agad na umiiyak. Hindi naman ako spoiled sa kanya ngunit hindi ko kayang matagalan ang isang minuto na hindi siya makita. Sabi ko pa noon sa sarili ko, "Kapag namatay siya magpapakamatay nadin ako". Naisip ko kasi na hindi ko kayang mabuhay na wala siya sa piling ko. May mga panahon mang napapagalitan at napapalo ako ay hindi ko kayang magalit sa kaniya. Kaya ko bang magalit sa taong siyam na buwan akong dinala? Sa taong nagluwal sa akin? Siya ang sandalan ko. Matalik na kaibigan kumbaga. Hindi ako nagsasawa sa mga kuwento niya kahit paulit-ulit na ang iba. Gusto kong maging katulad niya. Simpleng may bahay, masipag, masinop, maasikaso, mapagmahal, matatakbuhan tuwing may problema, at higit sa lahat laging naka-suporta.
Kung iisipin, mukhang perpekto na ang buhay ko kasama siya ngunit sa buhay natin ay sadyang walang permanente. Dumating sa punto na naghiwalay sila ng aking ama. Ang dati naming masayang pamilya ay wala na. Nakakatawang isipin na sa tagal ng panahon ay umiiyak parin ako habang isinusulat ito. Noong mga panahong iyon ay ang dami kong tanong sa aking isipan. Bakit? Paano? Anong nangyari? Dahil sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko, sa murang edad ay natuto akong maging independent. Lahat ng mga bagay na ginagawa niya noon sa akin ay ako na mismo ang gumagawa para sa sarili ko. Nalaman ko man ang mga sagot sa aking mga tanong ay hindi ko nagawang magalit sa kanila. Sa kaniya. Sobra akong naaawa sa kaniya noon sa mga pagkakataong umiiyak siya sa aking harapan at humihingi ng tawad dahil si isisi niya ang kaniyang sarili. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang din at yakapin siya. Hindi ko magawang magalit. Wala ako sa posisyon para sumbatan siya dahil baliktarin ko man ang mundo ay siya ang ina ko.

Ngayon, mahigit anim na taon na ang lumipas. Hindi ko lubos maisip na nakayanan kong mawalay sa kaniya ng ganito katagal. Nasa ibang bansa man siya ngayon ay hindi niya tinalikuran ang kaniyang mg responsibilidad sa amin. Walang nagbago sa aming samahan. Magkalayo man kami ay siya parin ang taong labis kong pinahahalagahan. Mawala na nga lahat, huwag lang siya. Sabi nga sa isang kanta, magkalayo man kayo at magkasalungat ang inyong mga oras ay darating ang araw na makakapiling ko siya ulit. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kaniya. Mahal na maha po kita ma.

Sunday, November 15, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Tanghali na ako nagising. Marahil ay nais ng aking katawan ng mahabang pahinga. Nang ako'y bumangon, agad akong naghilamos at nag-ayos ng sarili. Naglinis nadin ako ng aming bahay at nagluto ng almusal. Nang sumapit ang tanghali ay ganun din ang aking ginawa. Naglaba din ako ng aking maga uniporme at damit.
Kinahapunan, ako ay natulog. Sa aking paggising ay madilim na. Kumain na kami ng hapunan at nanuod ng telebesyon hanggang sa makatulog.

Linggo:
Hindi tulad kahapon, ako ay gumising ng maaga upang maglinis ng bahay dahil may darating na bisita. Tanghali na ako natapos kung kaya't kumain agad ako ng pananghalian.

Nang sumapit ng hapon, umaus kami ng aking nakatatandang kapatid upang pumunta sa mall. Namili lang kami ng ilang damit at umuwi na. Ako ay nakatulog dahil sa pagod at nang ako'y gumising, nag-update na ako ng aking blog.

Nais mangyari sa buhay na ipinangako ng Diyos

Nais kong magkaroon ng buhay na wala ng pasakir at mga problema. Hindi na kailangan pang mangamba sa mga maaaring mangyari dahil ginagabayan niya tayo. Gusto ko na ang maging buhay ko ay malayo sa buhay ko ngayon maging ang mga taong parte nito maliban sa aking ina at kapatid.

Sa buhay na ipinangako ng ating Diyos, iisa lamang ang aking nais, hindi ko na muli maranasan ang buhay na tinatamasa ko ngayon.

Wednesday, November 11, 2015

Realisasyon sa Parabula ng Banga

Sa aking pagbabasa sa tekstong Parabula ng Banga, ako'y nagkaroon ng ilang realisasyon. Isa na rito ay dapat lagi nating sinusunod ang mga payo ng ating mga magulang upang hindi tayo mapahamak. May mga sarili tayong desisyon ngunit dapat padin nating silang sundin dahil mas alam nila ang nakabubuti para sa atin. Karamihan sa kabataan ngayon ang lahat ng bagay ay tama at nais subukan kung kaya't kadalasan ay nagdudulot ito ng kapahamakan sa kanila lalo na't hindi pa nila kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Ang parabulang ito ay nagbigay sa akin ng mahalagang aral kung kaya't isasabuhay ko ito at laging itatatak sa aking isipan.

Sunday, November 8, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Ako'y nagising dahil sa iyak ng aking bunsong kapatid. Tanghali na pala. Hindi ko namalayan ang oras kung kaya't nagmadali akong kumilos upang gawin ang aking mga nakasanayan ng gawin tuwing ako'y nasa bahay. Naglaba din ako ng aking mga damit at naglinis ng ilang kasangkapan.
Kinagabihan, ako ay kumain ng maaga at natulog na agad upang makapagpahinga.

Linggo:
Ako ay gumising ng maaga upang magsimba. Tumagal lang ako ng mahigit dalawang oras at umuwi nadin. Sa aking paguwi, ako ay kumain na ng pananghalian at nagtupi ng aking mga damit. Matapos nito ay natulog ako ng mahigit apat na oras.

"Gabi na pala" aking nasambit ng ako'y magising. Nagmadali akong bumangon upang kumain. Ako ay naghugas ng plato matapos at nag-plantsa ng aking mga uniporme. Inayos ko nadin ang aking mga gamit para sa pagpasok kinabukasan. Natulog ako pagkatapos ng pagdarasal.

Sunday, November 1, 2015

Sabado at Linggo

Sabado:
Huling araw ng Oktubre. Ako ay gumising ng maaga upang maglaba ng aking mga damit at upang tapusin ang pagbubuod ng mga akda para sa Ikatlong Markahan sa asignaturang Filipino.
Kinahapunan, ako'y naglinis ng aming bahay at nag-ayos ng ilang kagamitan upang hindi mabagot. Nanuod din ako ng ilang palabas pagsapit ng gabi na puro kababalaghan naman. Naging masaya ang aking araw sa pagtatapos ng buwan ng ito.

Linggo:
Umaga na naman. Simula na ng buwan ng Nobyembre at sinasabi ngang Araw ng mga Kaluluwa. Paggising ko'y ginawa ko lang ang mga bagay na akin ngang nakasanayan nang gawin sa araw-araw. Walang espesyal na araw na ito para sa aking pamilya dahil hindi naman kami nagdiriwang ng nasabing okasyon.

Pagsapit ng hapon ay nag-general cleaning kami ng aking ama. Binago namin ang ayos ng aming tahanan upang mas maging maaliwalas. Pagkatapos nito kami ay kumain na ng hapunan. Nakatulog ako ng maaga dahil nadin sa pagod sa paglilinis at dahil simula na muli ng klase kinabukasan.