Sabado:
Ako'y nagising dahil sa iyak ng aking bunsong kapatid. Tanghali na
pala. Hindi ko namalayan ang oras kung kaya't nagmadali akong kumilos upang
gawin ang aking mga nakasanayan ng gawin tuwing ako'y nasa bahay. Naglaba din
ako ng aking mga damit at naglinis ng ilang kasangkapan.
Kinagabihan, ako ay kumain ng maaga at natulog na agad upang
makapagpahinga.
Linggo:
Ako ay gumising ng maaga upang magsimba. Tumagal lang ako ng mahigit
dalawang oras at umuwi nadin. Sa aking paguwi, ako ay kumain na ng pananghalian
at nagtupi ng aking mga damit. Matapos nito ay natulog ako ng mahigit apat na
oras.
"Gabi na pala" aking nasambit ng ako'y magising. Nagmadali
akong bumangon upang kumain. Ako ay naghugas ng plato matapos at nag-plantsa ng
aking mga uniporme. Inayos ko nadin ang aking mga gamit para sa pagpasok
kinabukasan. Natulog ako pagkatapos ng pagdarasal.
No comments:
Post a Comment