Sunday, February 28, 2016

Sabado Linggo

Sabado:

  Ngayong araw na ito ay tinanghali ako ng gising. Agahan na nang ako'y bumangon. Tumulong na lamang ako sa paghahain at nagsi,ula nading kumain. Sa umagang ito ay naglaba ako ng aking mga damit pati narin ng mga sapin namin sa higaan, kumot, at punda. Hapon na ako natapos kung kaya't labis akong napagod. Nagpahinga ako upang maibsan ang sakit ng aking katawan.
 Madilim na ng ako'y magising. Ang aking ama'y nakabihis nadin patungo sa kanyang trabaho. Bumangon ako agad upang sumabay sa hapunan. Matapos kumain at maghugas ng plato ay sumagi sa isip kong magisa na naman pala ako ngayong gabi. Papasok si papa sa trabaho at bukas pa ang uwi ni kuya. Sa aking paghiga ay nagpatugtog ako ng mga kpop upang hindi tahimik ang paligid at hindi ako matakot. Dahil doon ay nakatulog na ako.

Linggo:

 Umaga na pala. Buti nalang at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay maliwanag na. Hindi na ako mangangamba. Dahil napasarap ang aking tulog ay masigla akong bumagon upang maglinis ng aming bahay. Pagkatapos nito'y nagsipilyo na ako't naghilamos. Sa aking pagkakaupo ay inutusan ako ng aking ama na magsaing na at magluto ng aming ulam sa tanghaling iyon. Mabilis ko naman natapos ang kaniyang inutos kung kaya't maaga kaming nakakain. 
 Pagsapit ng hapon ay nagkantahan lamang kami ng aking ama. Mamaya'y aalis kami upang pumunta sa mall. Doon nadin kami kumain at nang matapos napagpasyahan na naming umuwi. Pagdating sa bahay ay nagpahinga agad ako at nagayos ng aking mga gamit. Maya-maya'y patungo na ako dito sa computer shop upang mag-update ng aking blog. Sa aking paguwi ay magpa-plantsa ako ng aking mga uniporme at matutulog na upang magising ng maaga kinabukasan. 

EDSA People Power1 REvolution

 Noong Pebrero25,1986 ay naganap ang EDSA People Power1 Revolution. Ito ay tungkol sa pag-aalsa upang mapatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at upang wakasan ang Martial Law o Batas Militar.
 Maraming Pilipino ang nagtulong-tulong upang isagawa ito. Sa panahon ni Pangulong Marcos ay madaming imprastraktura ang naitayo ngunit, sobrang higpit naman ng pamahalaan. Maraming Pilipino ang nakaranas ng torture at iba pang paghihirap. Sa umpisa ng Martial Law ay naging maganda ito. Mababa ang presyo ng mga bilihin at umunlad ang ating bansa at maging ang ating ekonomiya. Ngunit, sa pagtagal nito ay marami ng katiwalian ang naganap. Doon na umusbong ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Karamihan sa sumali sa PP1R ay namatay, nasugatan, at nakaligtas. Isa ito sa mga hindi makakalimutang pangyayari na naganap sa ating kasaysayan. 
 Ang EDSA People Power1 Revolution ay nakamarka na sa ating kasaysayan, isipan at pati narin sa ating mga puso lalo na sa mga nakaranas at nakasaksi noong mga panahong iyon. 

Field Demonstration

 Sa naganap na Field Demonstration noong nagdaang Biyernes, lahat kami ay naghanda. Maaga nagdatingan ang lahat. Sa pagsisimula ng aming pagtatanghal ay kinakabahan ang karamihan sa amin ngunit pinanatili ang ngiti sa kanilang mga mukha. binigay namin ang lahat ng aming makakaya para sa sayaw na iyon. Karamihan sa mga estudyante ay maingay sa panunuod. Hindi matnggal ang ngiti sa aming mga laba dahil doon. Matapos magtanghal ang lahat ng pangkat, inanunsyo na kung sino ang nanalo. hindi man kami ang pinangarangalan bilang kampyeon ay alam namin sa aming mga sarili na binigay namin ang lahat ng aming makakaya. Tinanggap namin ito ng buong puso at naging masaya para sa mga nanalo. Nakakapagod man at medyo malungkot ang araw na ito ay nagawa padin naming magkasiyahan sa bahay ng aking matalik na kaibigan. Doon kami kumain at nagbabad sa panunuod. Kinalimutan ang mga nangyari sa paaralan.
 Masaya ang araw na ito. Nagkaroon kami ng oras upang magsama-sama at magkasiyahan ng walang humpay.