Sunday, February 28, 2016

Sabado Linggo

Sabado:

  Ngayong araw na ito ay tinanghali ako ng gising. Agahan na nang ako'y bumangon. Tumulong na lamang ako sa paghahain at nagsi,ula nading kumain. Sa umagang ito ay naglaba ako ng aking mga damit pati narin ng mga sapin namin sa higaan, kumot, at punda. Hapon na ako natapos kung kaya't labis akong napagod. Nagpahinga ako upang maibsan ang sakit ng aking katawan.
 Madilim na ng ako'y magising. Ang aking ama'y nakabihis nadin patungo sa kanyang trabaho. Bumangon ako agad upang sumabay sa hapunan. Matapos kumain at maghugas ng plato ay sumagi sa isip kong magisa na naman pala ako ngayong gabi. Papasok si papa sa trabaho at bukas pa ang uwi ni kuya. Sa aking paghiga ay nagpatugtog ako ng mga kpop upang hindi tahimik ang paligid at hindi ako matakot. Dahil doon ay nakatulog na ako.

Linggo:

 Umaga na pala. Buti nalang at sa pagmulat ko ng aking mga mata ay maliwanag na. Hindi na ako mangangamba. Dahil napasarap ang aking tulog ay masigla akong bumagon upang maglinis ng aming bahay. Pagkatapos nito'y nagsipilyo na ako't naghilamos. Sa aking pagkakaupo ay inutusan ako ng aking ama na magsaing na at magluto ng aming ulam sa tanghaling iyon. Mabilis ko naman natapos ang kaniyang inutos kung kaya't maaga kaming nakakain. 
 Pagsapit ng hapon ay nagkantahan lamang kami ng aking ama. Mamaya'y aalis kami upang pumunta sa mall. Doon nadin kami kumain at nang matapos napagpasyahan na naming umuwi. Pagdating sa bahay ay nagpahinga agad ako at nagayos ng aking mga gamit. Maya-maya'y patungo na ako dito sa computer shop upang mag-update ng aking blog. Sa aking paguwi ay magpa-plantsa ako ng aking mga uniporme at matutulog na upang magising ng maaga kinabukasan. 

No comments:

Post a Comment