Sabado:
Ngayong araw ay maaga ako gumising dahil may proyekto kaming gagawin ng aking mga kagrupo. Nagkita-kita kami sa eskwelahan at humiwalay na sa kabilang grupo upang makapagsimula. Nakarating kami sa Pagrai kung saan nakatira ang isa naming kaklase. Hapon na ng matapos kami sa mga eksena na kailangan namin sa lugar na iyon.
Papadilim na nang dumiretso kami sa bahay ng isa pa naming kamag-aral upang ipagpatuloy ang iba pang eksena. Ginabi kami doon ngunit, naging masaya naman. Bandang ika-pito na nang gabi nang kami'y matapos nagpasyang umuwi. Pagdating ko sa bahay ay kumain lamang ako at nakatulog agad dala nadin ng sobrang pagod.
Linggo:
Tinanghali ako ng gising sa araw na ito. Bumawi lang ng lakas dahil sa mga bagay na ginawa kahapon. Pagbangon ko ay naghilamos muna ako at naghanda na ng agahan. Matapos kumain, ako ay naghugas ng plato at naglaba ng aking maduduming damit. Natulog akong muli pagkatapos nito.
Gabi na ng ako'y nagising kung kaya't kumain na lamang ako ng hapunan at tumulong sa ibang gawain. Nagplantsa din ako ng aking uniporme at nag-ayos na ng mga gamit para sa pasok kinabukasan.
No comments:
Post a Comment