Sa aking pagbabasa sa tekstong Parabula ng Banga, ako'y nagkaroon ng
ilang realisasyon. Isa na rito ay dapat lagi nating sinusunod ang mga payo ng
ating mga magulang upang hindi tayo mapahamak. May mga sarili tayong desisyon
ngunit dapat padin nating silang sundin dahil mas alam nila ang nakabubuti para
sa atin. Karamihan sa kabataan ngayon ang lahat ng bagay ay tama at nais
subukan kung kaya't kadalasan ay nagdudulot ito ng kapahamakan sa kanila lalo
na't hindi pa nila kayang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Ang parabulang ito ay nagbigay sa akin ng mahalagang aral kung
kaya't isasabuhay ko ito at laging itatatak sa aking isipan.
No comments:
Post a Comment