Sabado:
Araw ng Sabado. Unang araw ng pahinga matapos ang Unang
Lagumang Pagsusulit. Ako ay gumising ng ika-siyam ng umaga upang makabawi ng
tulog sa limang araw na nakakapagod at sunud-sunod na walang pahinga.
Hindi ako pumunta
sa paaralan upang manuod ng Intramurals. Ako ay nanatili lamang sa aming
bahay,naglinis ng mga kagamitan at naglaba ng ilang mga damit. Natulog din ako
ng hapon kung kaya't ang payapa ng isip ko sa araw na iyon. Nang sumapit ang
gabi,pinanuod ko ang paborito kong palabas tuwing Sabado at Linggo na lagi ko
talagang inaabangan. Ang The Voice Kids. Naging masaya at payapa ang araw na
ito para sa akin.
Ang araw ng
kaarawan ng kaibigan kong si Apple Claire Benito. Bago ako nagpunta sa bahay
nila ay naglinis muna ako ng aming tahanan. Ika-tatlo ng hapon ang itinakdang
oras ng pagpunta ngunit maaga akong pinapunta ni Apple upang mag-imbita ng
bisita. Naging madali lamang ito dahil nadin kami ay magkapitbahay.
Maaga natapos ang
pagluluto ng kanyang ina kung kaya't matagal kaming naghintay sa mga dadalo.
Nang dumating na ang aming mga kaklase ay naging maingay na at nagsimula na ang
kasiyahan. Kumain,naglaro,nagtawanan,nagkulitan,at nag-selfie kami. Naging
sobrang saya ng araw na ito kahit sobrang nakakapagod din.
No comments:
Post a Comment