Ang paborito kong maikling kwento na ating
tinalakay ay Ang Buwang Hugis Suklay.
Nagustuhan ko ito dahil ito ay tumatalakay
sa samahan ng isang mag-anak na nagkaroon ng sigalot dahil lamang sa simpleng
bagay. Ito ay maaari nating maikumpara sa mga pangyayari sa totoong buhay na sadyang
hindi maiiwasan. Ngunit batay sa akda na ito,isa lamang itong alamat. Isang
kwento na maaaring totoo o hindi. Kung kaya't hindi ko ito maaaring husgahan
batay lamang sa aking pananaw dahil ito ay kanilang kultura o tradisyon.
Sa kabila nito,ako parin ay naaliw kung
paano tumakbo ang kwento dahil sa simpleng salaming iyon. Makikita natin na may
pagpapahalaga talaga sila sa kanilang paniniwala o sa kanilang tradisyon na
labis nilang isinaaabuhay.
No comments:
Post a Comment