Sa nagdaang unang markahan ay masasabi kong
marami talaga akong natutunan. Ngunit sa kabila nito ay marami din kaming mga balakid
na ikinaharap. Isa na dito ang pagkakasabay-sabay ng mga proyekto sa iba't-ibang
asignatura at ang iba pang mga aktibidad o organisasyong aming kinaaaniban.
Dito nasubok ang aming tiyaga at kagustuhan na maisagawa parin ang mga bagay na
kailangan naming maisakatuparan.
Ang markahang ito ang magiging gabay namin
sa susunod pang mga araw na darating. Naging produktibo din naman kami at sa
kabutihang palad ay maraming nakapasa sa amin sa isinagawang Lagumang
Pagsusulit noong Agosto 12 o halos lahat pa yata kami ang nakapasa na labis naman naming ikinatuwang lahat.
No comments:
Post a Comment