Sabado:
Araw ng Sabado na naman. Ano nga bang bago sa araw na ito? Tulad ng
mga nagdaang Sanado ay ganun parin naman ang naging takbo ng araw na ito.
Tanghali na ako nagising, naglinis ng bahay, naglaba ng uniporme at
nagbasa ng ebook maghapon. Siguro sawang-sawa na kayo dahil paulit-ulit nalang
lagi ang mga post dito
linggo-linggo. Sabihin na nating nakakabagot ang buhay ko pero taong bahay lang
kasi ako kaya di niyo ako masisisi. Kinagabihan naman ay nanuod ako ng
telebisyon upang malaman ang balita. Nang dinalaw ako ng antok ay natulog na
lamang ako upang mabawasan naman ang eyebags ko at hindi na maging maleta. =)
Linggo:
Madaling araw palang ay mulat na ang aking mga mata. Naalimpungatan
ako dahil sumakit ang aking tiyan. Ilang sandali pa'y nakatulog na akong muli.
Mahimbing ang aking tulog ng gisingin ako ng aking ama upang maghanda ng agahan
kung kaya't napaaga ang aming tanghalian. Nang sumapit ang hapon ay ginawa ko
na lahat ng aking takdang aralin. Natulog ako matapos nito upang
makapagpahinga.
Gabi na. Kakagising ko palang kaya kumain na ako ng hapunan at
nag-plantsa ng uniporme. Nanuod ng telebisyon at nagpasya ng mag-update ng
blog. Sa aking pag-uwi ay ihahanda ko na ang lahat ng aking kakailanganin bukas
at matutulog ng maaga.
No comments:
Post a Comment