Huwebes,Hulyo 23,2015 ay nagkaroon ng
Nationwide Earthquake Drill kung saan nakiisa ang lahat ng paaralan sa buong
bansa,maging ang mga kawani ng gobyerno at ilang mga naninirahan sa mga subdibisyon.
Sa
naganap na Earthquake Drill sa ating paaralan,ay naging maagap ang mga guro at
estudyante. Sa unang pagtunog ng bell ay nagtago sa ilalim ng silya at sa
ikalawang alarma naman ay mabilis na lumabas sa mga silid-aralan at sa
eskwelahan. Ang mga estudyante ay lumabas at naglakad ng maayos habang may
nakaprotektang kwaderno sa kanilang mga ulo.
Sa
tuluyang paglabas ng mga estudyante sa gusali ay patuloy ang masusing paggabay
ng mga guro kung saan dapat pumunta ang mga mag-aaral. Ngunit,may mga
estudyante na nakarating sa Brgy. Hall dahil sa hindi agad napigilang pag-usad
nito. Ang mga estudyante ay mabilis na naglakad at tumakbo pabalik pataas upang
maging maayos na sa pagbalik sa paaralan.
Masasabi kong naging matagumpay ang isinagawang Earthquake Drill sa
araw na iyon dahil naging maayos,organisado,at nakiisa ang lahat. Ang lahat ay
naging alerto at isinabuhay ang mga tamang gawi na itinuro upang maging ligtas
sa lindol.
No comments:
Post a Comment