Siya
yung tipo ng guro na kinatatakutan. Sa unang tingin kakabahan kana, lalo na
kung di mo siya kilala. Lahat ng deskripsyong ito ay nabago simula ng makasama
namin siya sa loob ng sampung buwan.
Mr.
Fernando P. Timbal. Kilala ng lahat ng estudyante ng Mambugan National High
School. Hindi lang dahil isa siya sa mga magagaling at tinitingalang guro dito
kundi dahil sa pagiging strikto nito. Kung makikilala mo siya ng lubusan ay
hahanga ka talaga sa kanya. Nang maging gurong tagapayo namin siya noong
nakaraang taon ay nakilala namin ang 'Sir Timbal' na ating kinatatakutan.
Mabait, strikto, magaling, maparaan, nabuting magulang, at siyempre di mawawala
ang kanyang intimidating look. Yan ang totoong Sir Timbal. Ang
tumulong sa amin kung paano ilabas ang mga talentong tinatago ng bawat isa sa
amin. Naging isang mabuting guro na nakagabay sa lahat ng aming gagawing
desisyon at mga hakbang. Ang taong iyon ang hindi ko makalilimutan sa lahat.
Kung kaya't nang matapos ang sampung buwan na iyon ay nalungkot at umiyak ang
kabuuan ng klase namin. Ang mga salitang binitawan ni Sir "Goodbye
Aristotle" sng
pinakamasakit sa lahat. Dahil hindi na namin siya makakasama sa susunod na
taon.
Aminado
ako noong una'y takot ako sa kanya. Ngunit habang lumipas ang panahon ay
hinangaan ko siya ng husto at naging paboritong guro. Hindi lamang dahil siya
ay magaling, kundi dahil siya ay tapat at maaasahan.
No comments:
Post a Comment