Sabado:
Sabado
na naman ngunit wala ka pa~ Biro lang. Araw na naman ng Sabado ano nga bang
bago sa araw ko? Isa lang naman ito sa paborito kong araw o marahil pati ng
karamihan. Siyempre pahinga ang araw na ito at makikipagliwaliw pa ang ilan.
Ngunit ako? Naglilinis ng bahay, naglalaba, at nagluluto naman na lagi ko ngang
ginagawa. Taong bahay kasi ako at hindi laging lumalabas kung di naman
kinakailangan, kung kaya't sa araw na ito ako'y nagmukmok na lamang at nagbasa
ng Ebook upang malibang man lang. Pagsapit ng gabi ay nagtulong kami ng aking
nakatatandang kapatid sa paghahanda ng hapunan at nang matapos ay kumain nadin.
Ako ay natulog ng maaga sapagkat napagod ako sa maghapon na kung tutuusin ay
wala namang masyadong ginawa.
Linggo:
Nagising
ako dahil sa tunog ng aking telepono. Isang tawag pala sa aking ina. Naging
maganda ang simula ng aking araw dahil sa tawag na iyon. Ginanahan ako kumilos
dito sa bahay at maagang nakakain ng almusal at tanghalian. Kinahapunan ay
umulan ng malakas kung kaya't minabuti ko na lamang matulog. Paggising ko'y
nagkantahan kami ng aking ama at kumain ng meryenda. Nagsimula nadin kaming
maghanda para sa hapunan at kumain na. Ngayon ako'y nandito sa computer shop
upang mag-update nitong aking blog. Sa aking paguwi ako'y magpa-plantsa
ng aking uniporme at mag-aayos ng aking mga gamit para bukas sa aking pagpasok.
Matutulog din ako ng maaga upang hindi mahuli para sa flag ceremony na laging ginugunita tuwing Lunes.
No comments:
Post a Comment