Sunday, January 17, 2016

Sabado at Linggo

Sabado:

  Nang nagdaang Sabado ay tanghali na ako nagising. Pagbangon ko'y amoy ko na agad ang bango ng pagkaing inihahanda sa aming mesa. Maya-maya pa'y tinawag na ako ng aking ama upang kumain ng almusal. Matapos nito'y naghugas na ako ng mga plato at sinimulan na ang paglilinis ng buong bahay. Hapon na nang kami'y kumain muli. Nagpahinga lang ako at inihanda na ang sarili sa pagligo. Matapos mag-ayos ng sarili ay naglaba na ako ng marurumi kong damit. Madilim na nang ako'y natapos magsampay kung kaya't nagmadali na ako.
  Kinagabihan ay maaga kami kumain ng hapunan dahil aalis sila papa patungong ospital. Sa gabing iyon ay maaga din akong nakatulog dahil nadin sa pagod.

Linggo:
  Maaga ako nagising. Pagbangon ko pa lang ay nag-ayos na ako ng aking sarili dahil maglilinis pa ako ng aming bahay at maghahanda ng agahan. Kaming dalawa lang ng aking nakababatang kapatid ngayon kung kaya't tahimik ang bahay. kumain kami at nanuod ng telebisyon. Pagadating ng tanghali ay ganoon parin ang ginawa namin. Naglinis ako muli ng bahay at sinimulan ng gawin ang ilan sa aking mga takdang aralin. Nang mapagod ako ay napagpasyahan kong matulog.
   Gabi na ng ako'y magising. Andito nadin sila papa kung kaya't may nakahanda na para sa hapunan. Kumain kami ng sabay-sabay at nanuod ng telebisyon pagkatapos. Maya-maya'y nagplantsa na ako ng aking mga uniporme at tutulak na patungo sa Computer Shop upang i-update ang aking blog. Matapos kong mag-update ay uuwi agad ako upang makapgpahinga na dahil maaga pa ang aking pasok kinabukasan, at magaayos pa ako ng aking mga gamit.

No comments:

Post a Comment