Sa nagdaang christmas break ay ito ang aking mga ginawa:
1. Wishlist:
-Makabili ng wifi
-Makausap ang mama ko na nasa ibang bansa.
2.Christmas eve- Sa kadahilanang hindi kami nagdadaos ng pasko nang dahilsa aming relihiyon, naging tahimik lamang at natural lang ang nangyari sa akin nang gabing ito.
3.New Year's Resolution:
Ngayong 2016, may mga bagay na gusto kong baguhin sa aking sarili. Isa na dito ang aking pagiging tahimik sa loob ng silid-aralan. Nais ko ring ipagpatuloy ang pagtaas ng aking mga grado sa bawat asignatura. Ngayong taon ay nais kong makapagsulat ng isang istorya na may kabuluhan. Ngayong taon ay naging tamad ako kung kaya't nais kong maging masipag at mas maging responsable sa darating na taon upang maging kapaki-pakinabang naman ako dito sa mundong ibabaw. May mga bagay na nais kong makamit sa taon na ito ngunit napakaimposible kaya hindi ko na muna ito isasakatuparan dahil hindi pa ito ang tamang panahon para doon. Ang nais ko na lamang sa taong darating ay manatili ang matatag na pagkakaibigan namin ng aking mga kaibigan, manatili ang malusog na kalusugan ng aking pamilya at tumaas pa ang aking grado isama na natin ang ekonomiya ng Pilipinas at maging maayos ang maging halalan para sa mga bagong iboboto na mamumuno ng ating bansa. Happy New Year!
4.Rizal Day:
Ngayon ang araw kung saan namatay ang ating Pambansang Bayani kung saan naging makasaysayan hindi lamang sa ating bansa ngunit pati narin sa iba pang bansa dahil sa kabayanihan na ipinamalas ni Doktor Jose Rizal. Hindi mapapantayan ang kaniyang angking galing sa pagsulat ng mga akdang Noli Me Tengere at El Filibuterismo na siyang nagtutuligsa sa mga Kastila noon. Isa siya sa mga bayani na ang pluma ang ginawang kalasag upang ipaglaban ang ating lupang sinilangan. Ang araw na ito ang sumisimbolo sa pagiging matapang ng ating pambansang bayani dahil isinugal niya ang kaniyang buhay para sa ating bayan.
5.New Year's Celebration:
Ang pagdiriwang namin ng bagong taon ngayon ay naiiba sa mga nagdaang taon. Hindi kami gumamit ng kung anong paputok upang pampaingay ssa halip ay torotot lam,ang. Masasabi kong kahit walang paputok ay naging masaya at maingay parin ang pagsalubong namin ng bagong taon. Maraming pagkain at may kantahan rin na lalong nagpaingay sa aming bahay. Ang ilan sa amin ay ttumalon pa dahil nagbabakasakaling tumangkad. Kumpleto kami sa araw na ito. Naging maingay din ang batian ng bawat isa. Nakakapagod man ang araw na ito ay masaya naman at lahat kami ay naging ligtas kaya hindi ko ito malilimutan.
No comments:
Post a Comment