Sunday, January 17, 2016

Journal

1. Bilang isang kabataan,mapahahalagahan ko ang mga kadakilaan at mga nagawa ni Rizal sa ating bansa sa simpleng paggalang sa mga ito at pagtangkilik ng kanyang mga akda. Ipapamahagi ko ang aking mga kaalaman tungkol sa kanyang kadakilaan at katapangan na ipinamalas noon upang makalaya ang ating bansa sa mga Espanyol, sa kapwa ko mag-aaral. Mamahalin ko din ang bansang Pilipinas dahil dugo't pawis ng mga bayani ang inalay nila para dito. 

2. Mapapahalagahan o magagamit ko sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipyong isinatitik ni Rizal sa nobelang ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga ito. ang mga paninindigan nya ay tutularan ko upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansang Pilipinas at upang maging sukli sa kabayanihan na ipinamalas niya.

No comments:

Post a Comment